Border ng Peru at Ecuador, niyanig ng 6.1 magnitude na lindol

Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang border ng Peru at Ecuador batay sa GFZ German Research Center for Geosciences (GFZ).

Batay sa tala ng GFZ, umabot sa 10 kilometro o 6.21 miles ang lalim ng lindol.

Wala namang naitalang malalang pinsala sa imprastraktura bunsod ng lindol.


Samantala, tutungo naman ang bagong halal na si Peruvian President Pedro Castillo sa border ng Peru at Ecuador upang mag-inspeksyon.

Facebook Comments