Manila, Philippines – Nakatakdang pirmahan ni US President Donald Trump ang border security bill at pagkatapos ay magdedeklara ng national emergency.
Ito ay para mapondohan na ang isinusulong na pagpapatayo ng border wall sa Mexico.
Layon din ng border security bill na maiwasan muli ang pagkakaroon ng government shutdown.
Nakulangan kasi ang US President sa napagkasunduan na deal ng mga negotiators ng democrats at republicans noong nakaraang araw.
Naglalaman lamang kasi ng $1.3 bilion ang border security deal na napagkasunduan na malayo sa $5.7 billion na halaga ng border wall ni Trump.
Facebook Comments