Borders ng Eastern Visayas, sarado muna para sa mga pauwing LSI

108

Sarado muna ang Eastern Visayas para sa mga pauwing Locally Stranded Individuals (LSIs).

Kasunod ito ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Sa abiso ng Department of the Interior and Local Government-Eastern Visayas (DILG – 8), kabilang sa mga lalawigang magsasara ng kanilang borders ay ang Leyte, Southern Leyte, Biliran, Eastern Samar, Northern Samar at Samar.

Nito lang Sabado nang nakapagtala ang Eastern Visayas ng 205 na mga bagong kaso ng COVID-19 na pawang mga LSI.

Ito na ang highest single-day tally sa rehiyon simula nang pumutok ang pandemya.

Facebook Comments