Borders ng Hong Kong sa Macau at China, binuksan na

Binuksan na ng Hong Kong ang borders nito sa Macau at China kahapon.

Sa interview ng RMN DZXL 558 kay Michael Vincent, channel director ng Metro Plus Hong Kong, sinabi niya na nasa 50,000 hanggang 60,000 na mga indibidwal ang pinapayagan na ngayong makalabas at makapasok ng Hong Kong.

Kasunod na rin ito ng tuluyang pag-aalis ng Hong Kong ng lahat ng COVID-19 restrictions nito.


Simula noong December 29, hindi na mandatory ang RT-PCR Test para sa mga magtutungo sa Hong Kong at tinanggal na rin ang vaccine pass system.

Ayon kay Vincent, niluwagan ang COVID-19 restrictions sa Hong Kong dahil sa pagtaas ng bilang ng mga nagpapabakuna.

Ito ay kahit mataas pa rin ang naitatalang arawang kaso roon na umaabot sa 15,000 hanggang 16,000.

Kaya paalala niya sa mga Pilipinong turista, mandatory pa rin ang pagsusuot ng face mask sa mga pampublikong lugar sa Hong Kong.

Matatandaang nagluwag na rin ang China sa mga international traveller.

Facebook Comments