Nanawagan ang isang health expert sa gobyerno na mahigpit na bantayan ang bagong Delta sub-variant na nadiskubre sa Britain at ngayon ay kalat na sa 27 iba pang mga bansa sa mundo.
Ayon kay dating National Task Force Against COVID-19 Adviser Dr. Tony Leachon, hindi dapat magdalawang-isip ang pamahalaan na isara ang borders ng Pilipinas kapag naging variant of concern na ang AY .4.2.
Sa ngayon, wala pang ebidensyang nagpapakita na mas nakakahawa ang AY .4.2 kumpara sa Delta variant na walong beses namang mas mabilis kumalat kumpara sa original SARS-CoV-2 virus.
Wala pang nade-detect ang Department of Health (DOH) a AY .4.2 sa Pilipinas.
Pero paalala ni Department of Health (DOH) Usec. Maria Rosario Vergeire, manatiling alerto at sumunod sa health protocols.