Boses ng mga kabataan, huwag maliitin ayon sa youth resist

Manila, Philippines – Mahalaga ang papel ng ‘millennials’ o kabataan sa mga iba’t-ibang isyu na kinakaharap ng lipunan.

Kabilang na rito ang martial law extension sa Mindanao at extrajudicial killings.

Ayon kay youth resist co-convenor Shamah Bulangis – importanteng marinig ng gobyerno ng boses ng mga kabataan dahil sila ang pinakanaapektuhan.


Iginiit din ni Bulangis na hindi lamang pagpopost o comment sa social media ang kanilang ginagawa.

Nanawagan ang grupo na huwag maliitin ang pang-unawa ng mga kabataan sa mga isyu ng bayan.

Umaasa din ang grupo na mababanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikalawang State of the Nation Address sa July 24.

Facebook Comments