Boston Celtics, panalo laban sa Philadelphia 76ers

NBA – Pinangunahan ni Boston Celtics point guard Kyrie Irving ang panalo ng kanilang team konta Philadelphia 76ers sa score na 102-110.

Nagtala si Irving ng 21 points, 2 rebound and 3 assist.

Matatandaang galing si Irving sa koponan ng Cleveland Cavaliers kung saan kasama niya noon ang MVP superstar na si Lebron James.


Samantala, muli namang natalo sa 2nd game ng NBA preseason games ang Cleveland Cavaliers kontra sa indiana pacers sa score na 102-106.

Nanguna sa pagpuntos para sa Pacers ang kanilang shooting guard na si Lance Stephenson na may 13 points, 4 rebound at 4 assist.

Samantala, labis naman ang panghihiyang ng Cleveland Cavaliers sa third quarter dahil lamang sila ngunit nakahabol ang Pacers.
Humataw ng puntos para sa Cavs ang kanilang forward player na si Jae Crowder na may 17 points, 6 rebounds, at 2 assist.

Tiniyak naman ng Cavs na sa susunod nilang laro ay makakabawi na sila ng panalo.

Facebook Comments