Boston Celtics, panalo sa game-2 kontra Washington Wizards sa Eastern Conference Semifinals…. Golden State Warriors at Utah Jazz, naghaharap sa game-1 ng Western Conference Semifinals

65

Manila,Philippines – Abante na sa 2-0 ang serye sa pagitan ng Boston Celtics at Washington Wizards sa Eastern Conference semifinals sa NBA.

Nanaloang Boston sa overtime sa score na 129-119 kung saan nanguna sa panalo si Isaiah Thomas na may 53-points.

Sa post game press conference, sinabi ni Boston Coach Brad Stevens na naging susisa kanilang panalo ang leadership ni thomas maging ang kanilang hussle defense at ang pagkakaroon ng home court advantage.

Dagdag pa ni Stevens, malakas na koponan ang wizards at kailanga pa nila itongpaghahandaan sa game-3 na gaganapin sa Washington.

Samantala,naghaharap naman sa kasalukuyan ang Golden State Warriors at Utah Jazz sa game1 ng Western Conference Semi finals.

Facebook Comments