Boston Celtics, wagi sa laban kontra Brooklyn Nets

54

Tinambakan ng Boston Celtics ang Brooklyn Nets sa iskor na 149-115.

Bagama’t hindi nakalaro ang all-star point guard na si Kemba Walker, naging susi sa panalo ang pagpapakawala ni Jaylen Brown ng 21 puntos at limang 3-points.


Nakapagtala naman si Jayson Tatum ng 19 points, habang may tig- 18 puntos naman si Gordon Hayward at Robert Williams.

Susunod na makakalaban ng Boston Celtics ang Toronto Raptors habang ang Brooklyn Nets ay makikipag-bakbakan sa Sacramento Kings sa Biyernes.

Facebook Comments