BOTE-BOTE SYSTEM | Mga nagbebenta ng de-boteng gas at diesel, tututukan ng DOE

Manila, Philippines – Nakapag-isyu na ang Department of Energy (DOE) ng mga bagong polisya ukol sa pagbebenta ng adulterated o hindi purong gasolina at diesel sa mga tricycle.

Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi – ang ‘bote-bote’ system o pagbebenta ng gas at diesel na nakalagay sa mga bote ng softdrinks ay mapanganib at posibleng magdulot ng sunog o pagsabog.

Hinihikayat nila ang mga gas stations na gumawa ng mga ligtas na produkto at serbisyo para hindi tangkilikin ng mga tricycle drivers at operators ang mga gasolinang nakalagay sa bote.


Dahil dito, inendorso na ng DOE ang bagong Philippine National Standard (PNS) para sa automotive and industrial diesel products sa Department of Trade and Industry Bureau of Product Standars (DTI-BPS) alinsunod sa panuntunan ng Philippine Clean Air Act.

Facebook Comments