BOTIKA NG BAYANI | Botika para sa mga pulis at sundalo, inilunsad ng DOH

Manila, Philippines – Bilang bahagi ng kampaniya ng Department of Health na makapagpaabot ng dekalidad at abot kayang health services sa mga Pilipino, inilunsad ngayon ng DOH ang Botika ng Bayani sa Camp Bagong Diwa sa Taguig, na naglalayon namang bawasan ang bigat sa gastusin sa mga gamot ng mga pulis at mga sundalo.

Sa ilalim ng programang ito, covered ng DOH ang 180,000 policemen at kanilang dependents sa 22 heath service units sa buong bansa. Kabilang dito ang full pharmacy services at libreng mahahalagang gamot.

Ayon kay Health Undersecretary Enrique Domingo, ang Botika ng Bayani ay bahagi rin ng mga pharmacy na pinatatakbo ng gobyerno.


Kabilang ang programang ito sa misyon ng pamahalaan, na tiyaking malusog ang lahat ng mga Pilipino, pagsapit ng taong 2022.

Facebook Comments