Pinaboran ng lahat ng alkalde sa National Capital Region (NCR) na suspendihin ang operasyon ng mga gym, spas at internet cafes sa loob ng kanilang nasasakupan hanggang April 4, 2021.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Public Affairs Staff – Public Information Office Chief Sharon Gatchalian, pinirmahan ng 17 alkalde ang resolusyon na nagsusupinde sa operasyon ng mga nasabing establisyimento.
Layunin nitong mapigilan ang community transmission ng COVID-19 at mga variants nito.
Ginawa din aniya ito para magkaroon ng uniformity sa buong NCR.
Ang general community quarantine (GCQ) bubble sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna ay magtatagal hanggang April 4.
Facebook Comments