Ipinahayag ni Atty. Larry Gadon na hindi na dapat kilalanin ang boto ni Commission on Elections (COMELEC) Commisioner Rowena Guanzon hinggil sa disqualification case ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sa isang pahayag, sinabi ni Gadon na nilabag ni Guanzon ang sariling panuntunan ng COMELEC sa ginawa nitong pagsasapubliko sa kanyang desisyon hinggil sa disqualification case ni BBM.
Ayon kay Gadon, bawal sa isang hukuman na maglabas ng hindi pa pinal o hindi official na desisyon.
Sinabi rin ni Gadon na maaaring tanggalin si Guanzon sa division o suspindehin ng COMELEC para hindi na makapag-impluwensiya sa kasamahan niyang commissioner.
Ipinunto pa ni Gadon na posible ring ulitin ang pagdinig sa kaso ni Bongbong Marcos dahil sa ginawa ni Guanzon.