Botohan para sa NBA’s regular season awards, nagsimula na

Nagsimula na ang botohan para sa National Basketball Association (NBA) regular season awards.

Isinagawa ang botohan ng grupo ng mga sportswriter at broadcaster nitong Hulyo 21 at magtatapos sa Hulyo 28, 2020.

Ayon kay NBA President League Operations Byron Spruell, hindi kasama sa basehan sa botohan ang mga laro sa pagbabalik season ng liga sa Hulyo 30, 2020, para maging patas ang proseso para sa mga manlalaro at coaches ng 30 koponan.


Kabilang sa mga award na ipagkakaloob ng liga ay ang Most Valuable Player (MVP), Rookie of the Year, Defensive Player of the Year, Most Improved Player, Sixth Man of the Year, Coach of the Year, All-NBA Teams, All-Defensive Teams, at All-Rookie Teams.

Iaanunsyo ang mga magwawagi kasabay ng NBA playoffs.

Facebook Comments