Botohan para sa prangkisa ng ABS-CBN, maaaring gawin na sa Huwebes

Posibleng sa Huwebes ay mapagbotohan na ang panukala para sa ABS-CBN franchise.

Ayon kay House Committee on Legislative Franchises Chairman Franz Alvarez, summation na lamang ang gagawin nila sa Huwebes sa ganap na ala-1:00 ng hapon kung saan ilalahad ang buod ng mga lumabas sa nakalipas na mga pagdinig.

Pagkatapos nito ay pwede nang mapagbotohan ang panukalang prangkisa sa Kapamilya network.


Kapag nakakuha ng paborableng pasya ang ABS-CBN sa komite, iaakyat ito sa plenaryo para sa second reading, pero kapag ibinasura ang hiling nito na prangkisa, hindi na ito aabot pa sa ikalawang pagbasa.

Kagabi ay tinapos na ng Legislative Franchises at Good Government and Public Accountability ang interpellation o pagtatanong para sa prangkisa ng broadcast giant na ABS-CBN.

Facebook Comments