Iginiit ng Magnificent 7 sa Kamara na premature o masyado pang maaga para pagbotohan sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang ibalik ang parusang kamatayan.
Itinakda ng liderato ng Kamara ngayong araw ang pag-apruba sa 3rd and final reading sa death penaty bill.
Pero ayon sa grupo, labag ito sa 3-day notice rule dahil hindi naipamahagi sa mga kongresista noong huwebes at biyernes ang kopya ng House Bill 4727 na inaprubahan sa ikalawang pagbasa noong nakaraang Miyerkules.
Katuwiran ni Albay Rep. Edcel Lagman, hindi sumusunod sa probisyon ng konstitusyon ang pamamahagi ng kopya sa kanilang mga staff.
Samantala, nagtipun-tipon naman ngayon sa south gate ng Batasan Complex ang mga grupong anti-death penalty kabilang ang mga militanteng grupo at mga estudyante mula sa Ateneo para iprotesta ang kanilang pagtutol sa tuluyang pagapruba ng parusang kamatayan.