BOTOHAN | Shortlist sa pagkapunong mahistrado, pagbobotohan ngayong araw

Manila, Philippines – Pagbobotohan na ngayong araw ng Judicial and Bar Council o JBC ang mga bubuo sa shortlist ng mga nominado para sa susunod na chief justice ng Korte Suprema.

Ang shortlist ay isusumite ng JBC kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, na ex-officio member ng JBC, pag-aaralang mabuti ng konseho ang mga isinumiteng dokumento ng mga nominado partikular na ang kanilang Statement of Assets, Liabilities and Networth o SALN


Kabilang sa mga nominado sina associate justices:
Teresita De Castro
Diosdado Peralta
Andres Reyes Jr.
Lucas Bersamin
Tagum City RTC Branch 11 Judge Virginia Tejano-Ang

Facebook Comments