Inilagay sa ibat ibang lugar sa bayan ng Bangar, La Union ang Polyethylene Terephthalate o PET collection bins kasunod ng pagpapaigting sa pagpapatupad ng Municipal Ordinance No. 2015-005 o ang regulasyon sa paggamit ng plastic.
Ayon sa Bangar Municipal Environment and Natural Resources Office, bahagi ito ng aktibidad ng lokal na pamahalaan upang makamit ang pagiging zero-waste at plastic-free municipality.
Umaapela rin ang tanggapan sa mga residente sa wastong pangangalaga sa mga collection bins upang magtagal ang paggamit nito na inaasahang bubuhay sa inisyatibo ng publiko sa waste management and disposal.
Magsasagawa ng regular na monitoring sa mga establisyemento ang tanggapan upang tiyakin na sumusunod sa regulasyon ng paggamit ng plastic ang mga business owners. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments