Boundary ng Maynila sa España Blvd., bantay sarado ng MPD; bilang ng sasakyan sa libreng sakay ng Manila LGU, nadagdagan pa

Tuloy-tuloy pa rin ang biyahe ng ilang mga pampasaherong jeep sa kahabaan ng España Boulevard sa Maynila.

Bantay sarado ng Manila Police District (MPD) ang boundary mula Quezon City upang masiguro na walang makakalusot na indibidwal o grupo na planong magsimula ng kaguluhan.

Bukod sa mga pampasaherong jeep, umaarangkada na rin ang libreng sakay ng Manila Local Government Unit (LGU).


Nabatid na umaabot na sa higit 300 sasakyan ang ipinakalat ng lokal na pamahalaan para magbigay ng libreng sakay para sa lahat.

Ito’y sa gitna ng ikinakasang unang araw ng malawakang transport strike.

Iikot ang mga nasabing sasakyan sa buong Maynila upang maghatid ng mga stranded na pasahero sa mga kalsada.

Nagsimula ito kaninang alas-5:00 ng umaga at hanggang alas-10:00 ng umaga kung saan muli itong magbabalik ng alas-4:00 ng hapon hanggang alas-10:00 ng gabi.

Ilan sa mga rutang daraan ay:
• Vito Cruz Taft Ave – Quezon Blvd.
• Espana Blvd. – Welcome Rotonda
• Abad Santos Ave. – R. Papa Rizal Ave.
• UN Taft Ave. – R. Papa Rizal Ave.
• Recto Ave. – SM Sta. Mesa
• UN Taft Ave. – P. Ocampo St.
• Monumento Rizal Ave. – Divisoria
• Buendia Taft Ave. – Divisoria
• Buendia Taft Ave. – Monumento Rizal Ave.
• Buendia Taft Ave. – Welcome Rotonda

Facebook Comments