Dumagsa ang mga motorsiklo sa checkpoint ng Valenzuela City at Meycauayan, Bulacan sa unang araw ng working day sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Nagmistulang parking area ng motorsiklo ang nasabing lugar, dahil hinaharang ang mga ito at isa-isang kinukuhanan ng body temperature ng mga pulis na nagbabantay sa checkpoint.
Hihingan din sila ng ID at tsine-check kung ano ang kanilang mga dala dahil karamihan ay mga magde-deliver ng pagkain.
Kapansin-pansin din na walang mga angkas ang mga ito, kung saan isa ito sa mga panuntunan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) para sa mga motorsiklo na bibiyahe sa panahon ng MECQ.
Kabilang din dito ang mga essential worker at mga papasok sa trabaho.
Matatagpuan sa nasabing lungsod ang mga pabrika at pagawaan ng tsinelas at plastic.