Boundary system sa mga pampasaherong jeep, aalisin na ng DOTr

Manila, Philippines – Aalisin na ng Department of Transportation (DOTr) ang boundary system sa mga pampasaherong jeep.

Sa ilalim ng public utility vehicle modernization program, target ng ahensya na magpatupad ng mas modernong jeep at regular na sahod para sa mga driver.

Ayon kay Pasang Masda President Obet Martin – bababa ang kita ng mga driver sakaling ipatupad ang programa pero may mabuti rin itong maidudulot.


Giit naman ni Piston President George San Mateo – mas maganda kung magtatakda ang ahensya ng regular na sahod para sa nga tsuper.

Sa ngayon, hindi pa malinaw kung paanong sistema ang ipatutupad ng LTFRB hinggil dito.

Ayon kay LTFRB boardmember at Spokesperson Aileen Lizada, maglalabas pa sila ng memorandum circular tungkol dito.

Facebook Comments