BOX OF TEARS | Aparador para sa mga estudyanteng malungkot, itinayo sa isang paaralan sa USA

USA – Walang katapusang thesis, mga istriktong Professor at iba’t-iba pang mga campus problem.

Ilan lang ito sa mga dahilan kaya dumarami ang bilang ng mga estudyanteng stressed at malungkot.

Dahil dito, nagtayo ang University of Utah sa U.S.A ng isang maliit na kwarto sa gitna ng kanilang campus para sa mga estudyanteng gustong mapag-isa at maglabas ng kanilang mga sama ng loob.


Tinawag na ‘cry closet’ o ‘box of tears’ ang kwartong ito na puno ng mga stuff toy sa loob para pakalmahin ang sinumang papasok dito na ideya ng isang student na si Nemo Miller, isang visual artist na nakakaramdam din ng paghihirap sa kanyang college life.

Sampung minuto lang ang pwedeng itagal sa loob at isang estudyante lang ang pwedeng pumasok.

Facebook Comments