Boxing career at pagiging senador, dapat timbanging mabuti ni Pacquiao

Manila, Philippines – Para kay Senator Win Gatchalian, dapat i-calibrate ni Senator Manny Pacquiao ang sarili para makapag-adjust sa dalawang responsibilidad na kanyang hinahawakan.

Ang tinutukoy ni Gatchalian ay ang pagiging world class boxer at pagiging senador ni Pacquiao.

Katwiran ni Gatchalian, ang nabanggit na mga responsibilidad ay parehong mentally at physically demanding.


Giit naman ni Senator Sonny Angara, hindi nakakapekto sa trabaho ni Pacquiao bilang senador ang boxing career nito dahil ang mga laban niya ay itinataon kapag naka-recess ang session ng Kongreso.

Si Senator JV Ejercito naman ay nais ng magretiro sa boxing si Pacman dahil tunay naman na ito ay living legend ng sport at wala naman na itong dapat pang patunayan.

Diin pa ni Ejercito, bilang isang kaibigan ay nag-aalala siya sa kaligtasan ni Pacquiao tuwing ito ay may laban dahil ang boxing aniya ay isang delikadong sports.

Facebook Comments