Boxing fight ni Senator Pacquiao, tuloy na tuloy

Nilinaw ni Senator Manny Pacquiao na walang katotohanan ang mga impormasyong umatras na sya sa nakatakdang laban na gaganapin sa Las Vegas, Nevada sa August 21.

Ayon kay Pacquiao, nakatakda na syang umalis ng bansa ngayong weekend para magtungo sa Amerika kung saan sya magsasanay para sa laban kay Errol Spence Jr.

Sinabi ni Pacquiao na kanyang hangad na bigyan ng dangal ang ating bansa at masaya din syang nagkakaisa ang lahat ng Pilipino para manood sa bawat laban niya.


Kasabay nito ay umapela si Paquiao na pagtuunan ng pansin ang mga problema ng bansa tulad ng krisis dulot ng pandemya at napipintong pagputok ng Bulkang Taal.

Giit ni Pacquiao, hindi away kundi tulong at solusyon ang hinahanap ngayon ng ating mga kababayan.

Facebook Comments