Boxing ring sa Rizal Memorial Coliseum, inihahanda na!

Inihahanda na ang boxing ring sa Rizal Memorial Coliseum sa Malate, Maynila.

Ito ang kinumpirma ni Philippine National Police Spokesperson PBGen. Jean Fajardo matapos kumasa si PNP Chief PGen. Nicolas Torre III sa suntukang hamon ni Davao City acting Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte.

Kahit pa naglatag ng kondisyon si Mayor Baste na pakiusapan ni Torre si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sumailalim sa hair follicle drug test ang lahat ng elected officials bago ituloy ang charity boxing match ay puspusan pa rin ang ginagawang paghahanda ni Gen. Torre.

Kaninang umaga naka-10 rounds sa pagtakbo si PNP Oval si Torre bilang parte ng kanyang training sa laban sa linggo.

Nabatid na nasa 6,100 ang maximum capacity ng Rizal Memorial Coliseum.

Facebook Comments