Bpat member arestado sa illegal na baril sa DOS Maguindanao

18

Isang miembro ng BPAT ang arestado matapos makuhanan ng hindi lisensyadong baril kahapon ng umaga sa isang checkpoint ng Pnp sa bayan ng Datu Odin Sinsuat sa lalawigan ng Maguindanao.
Kinilala ni Police Chief Inspector Lendsy Sinsuat hepe ng DOS Pnp ang suspect na si Edgar Manul Galle, 48 anyos residente ng Brgy. Mapayag, sa bayan ng Datu Anggal Midtimbang sa Maguindanao. Nakuha mula sa posesyon ng suspect ang isang unit ng Cal. 357 Magnum na may limang mga bala at walang kaukulang dokumento.
Sa ngayon ay inihahanda na ng Dos Pnp ang pagsasampa ng kasong paglabag sa R.A.10591 o illegal position of firemarm laban sa suspect.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments