BPAT member pinalakol sa leeg patay sa bayan ng Magpet North Cotabato

Isang BPAT member ang namatay ng itoy palakulin sa leeg ng isang binata sa bayan ng Magpet sa lalawigan ng North Cotabato.kagabi. Kinilala ang biktima na si Rene Paraiso 47 anyos , binata ,magsasaka at miembro ng BPAT. Naganap ang krimen alas 7:15 kagabi sa Purok 2, Brgy. Kauswagan, Magpet, Cotabato.
Kinilala naman ang suspect na si Norvin Mangulayon ,28, binata res ng Lupon Davao Oriental.
Sa report ay nakaupo lamang ang biktima ng biglang sumulpot ang suspek sa kanyang likuran bitbit ang isang palakol at walang sabing hinataw ng palakol sa leeg ng biktima.. Sa tindi ng tinamong sugat sa kanyang leeg ay agad binawian ng buhay ang biktima habang mabilis na tumakas ang suspect . Nagpapatuloy ngayon ang manhunt operation ng mga otoridad sa suspect.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments