BPI, binawi ang import license ng kompanya na hindi awtorisadong mag-angkat ng agricultural food products mula sa Vietnam

Kinansela ng Bureau of Plant Industry (BPI) ang import license sa LVM Grains Enterprises, isang Manila-based company.

Ito’y matapos umanong magsagawa ito ng hindi awtorisadong pag-aangkat ng agricultural food products mula sa Vietnam.

Sa ipinalabas na kautusan ni BPI Director Gerald Glenn Panganiban, binawi nito ang lahat na naisyu sa LVM ng sanitary and phytosanitary import clearances.


Sa review na isinagawa ng BPI sa paliwanag ng LVM matapos isyuhan ng show-cause order, hindi nakumbinsi ang ahensya sa dahilan ng kompanya na mag-angkat ng bigas, kape at kasoy mula sa Vietnam at naka-consign sa LVM ng walang import clearance.

Lumalabas din sa records ng ahensya na may mga ginawa na rin noon ang kompanya na hindi pagsunod sa requirements.

Binigyang-diin ng BPI na ang anumang importation ng mga halaman, planting materials at plant products ay dapat may import clearance kasama ang phytosanitary certificate na inisyu mula sa pinagmulang bansa.

Layun nitong masigurong ang shipment ay tumatalima sa phytosanitary requirements na itinakda ng ahensya upang madiguto na rin ang kaligtasan mula sa mga exotic na peste.

Facebook Comments