BPI, maniningil na sa online, mobile app services

218

Naglabas ang Bank of the Philippine Islands (BPI) ng advisory patungkol sa bagong service fees kapag gagamit ng online at mobile app features.

Simula July 1, bank-to-bank transfer via Instapay ay may patong na P50 per transaction, habang P10 naman ‘pag nag-transfer sa mga unenrolled third party account.

Libre naman sa limitadong panahon ang transfer sa mga unenrolled account ‘pag gumamit ng QR code.


Wala ring patong para sa dollar to peso transfer at transfer sa sarili at enrolled na account.

Pinayuhan ng banko ang mga customer nito na ienroll ang kanilang third party account para maiwasan ang dagdag na bayad.

Tignan ang buong advisory rito.



Facebook Comments