BPI: Mga retailer na nagpapatupad ng price cap sa bigas, nasa 90 porsyento na

Umabot na sa 90% ng mga retailer ng bigas ang nakasusunod sa price cap policy ng gobyerno.

Sinabi ito ni Bureau of Plant Industry Director Glen Panganiban kaugnay sa nagpapatuloy nilang pagbabantay o monitoring sa compliance ng mga nagtitinda ng bigas.

Sa kasalukuyan ayon kay Panganiban, dahan-dahan nang nagiging matatag ang presyo ng bigas.


Kapag mapanatili aniya ang ganitong trend, irerekomenda ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na tanggalin na ang price cap.

Hindi naman masabi pa sa ngayon ng opisyal kung kelan nila pwedeng ihinto na ang price cap.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Panganiban na nasa 80 to 90% na ang pagiging self-sufficient sa bigas ng Pilipinas.

Facebook Comments