Plano ng Bank of the Philippine Islands o BPI na ipatupad ang 18 pesos na interbank ATM transaction fee.
Ito ang ipapanukala ng BPI sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) mula sa naunang proposal nito na 20 pesos kada transaction.
Ayon kay BPI Chief Digital Officer Noel Santiago – isusumite nila ang bagong proposal sa BSP.
Kapag naaprubahan, ang mga non-BPI clients ay kailangang magbayad ng 18 pesos kada transaction gamit ang bpi-owned ATM.
Ang mga BPI clients ay hindi sisingilin kapag ginamit ang sariling ATM ng bangko.
Sa ngayon, ang interbank atm fess ay tinatayang mula 11 peso hanggang 15 pesos.
Facebook Comments