Manila, Philippines – Bunsod ng ilang araw na problema sa sistema ng Bank of the Philippine Island o BPI, hiniling ng ilang kongresista na imbestigahan ang nangyaring system glitch ng bangko.
Sa inihaing House Resolution 1072 nila AKO BICOL PL Reps. Rodel Batocabe, Alfredo Garbin Jr at Christopher Co ay inaatasan ang House Committee On Banks and Financial Intermediaries na pinamumunua ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone na siyasatin ang internal error ng BPI.
Bukod sa system glitch ng BPI ay pinatututukan din ng mga mambabatas ang katatagan ng buong internal system sa banking industry.
Ang naging problema sa BPI na nagdulot ng panic sa maraming depositors ay sumasalamin sa kung gaano kabigat ang magiging sitwasyon sakaling mahina ang internal system ng mga bangko.
DZXL558