Tiniyak ng Bank of the Philippine Islands (BPI) na ligtas ang account at pera ng kanilang mga kliyente.
Ito’y sa harap ng reklamo ng mga customer ng BPI ang unauthorized “0431 debit memo” sa kanilang mga bank account.
Ang bank’s site at mobile app ng BPI ay hindi accessible simula kaninang alas-8:27 ng umaga ngayong Miyerkules, January 4.
Sa kanilang advisory sa kanilang social media page, sinabi ng BPI na nagkaroon ng double posting sa ATM, sa CAM deposits, POS at e-commerce debit transactions mula December 30 hanggang 31, 2022
Tiniyak naman ng BPI na itinatama na ang mga nadobleng transaksyon.
Dahil sa dami ng mga nagtatanong sa kanilang mga online banking channels, asahan na makaranas ng intermittent o pasulpot-sulpot na access sa kanilang website at mobile app platform.