BPI, tiniyak na maibabalik na sa normal ang kanilang sistema ngayong araw

Inanunsyo ng Bank of the Philippine Islands (BPI) na posibleng maisaayos na ngayong araw ang mga duplicate transaction sa kanilang sistema.

Kasunod ito ng kautusan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na magsumite ng updates ang BPI ng mga transaksyon matapos ang error sa kanilang operasyon.

Sa kanilang pahayag sa kanilang social media page, sinabi nito na posibleng matapos na ngayong araw ang pagtatama sa mga hindi otorisadong transaksyon o iligal na pagkalagas ng libo-libong pera sa account ng ilang BPI costumers.


Nangyari ito sa ATM, sa CAM deposits, POS at e-commerce debit transactions mula Dec. 30 hanggang 31, 2022

Tiniyak naman ng BPI na may sapat na seguridad o ligtas ang mga account at pera ng kanilang mga kliyente habang inaayos nila ang problema.

Facebook Comments