BPLO ng Malabon LGU, nag-inspeksyon sa palengke at grocery store

Nagsagawa ng price monitoring ang Business Permit and Licensing Office (BPLO) katuwang ang Market Management Office sa mga pampublikong pamilihan at grocery stores sa lungsod ng Malabon.

Ito’y upang tiyakin na nasusunod ang itinakdang price freeze sa mga pangunahing bilihin at pangangailangan.

Ang hakbang na ito ay alinsunod sa deklarasyon ng State of Calamity sa lungsod bunsod ng matinding pagbaha na dulot ng sunod-sunod na pag-ulan.

Inabisuhan ang lahat ng stall owners at tindahan, kabilang ang mga pamunuan ng mga pamilihan, hinggil sa mahigpit na pagpapatupad ng price freeze.

Ayon sa BPLO, magpapatuloy ang kanilang regular na price monitoring upang matiyak ang proteksyon ng mga mamimili at mapanatili ang abot-kayang presyo ng mga pangunahing produkto.

Hinihikayat ang makakaranas ng hindi makatarungang pagtaas ng presyo ng bilihin na agad itong i-report sa tanggapan ng BPLO sa numerong (02) 8281-4999 local 3012 o magpadala ng email sa malabonbplo@yahoo.com.

Facebook Comments