
Nag-file ng formal complaint ang grupo na BPO Industry Employees Network (BIEN) Cebu sa Department of Employment Regional Office 7 kontra sa ilang mga BPO companies na pwersahang nagpapabalik sa kanilang mga empleyado sa kabila ng pagtama ng lindol sa lungsod ng Cebu.
Ilan sa mga naiulat na insidente ay pagre-require sa mga empleyado na sumagot ng tawag imbes na mag-evacuate.
Bukod dito, may ulat din silang natanggap na may kumpanyang nagharang pa sa mga exit ng isang floor building para di makaalis ang mga empleyado.
Habang sa isa pang ulat ay magbibigay ang kumpanya ng double pay sa mga empleyadong tutuloy sa pagtratrabaho at ang ibang uuwi ay kakaharap sa pagsuspende, pag-alis ng bonuses at sa pananakot na tatanggalin.
Ayon kay BIEN-Cebu Spokesperson Kyle Enero, ito ay isang halimbawa ng kasakiman ng mga BPO companies na mas inuuna ang kumita kesa ang kapakanan at kaligtasan ng mga agents.
Dahil dito, hinimok ng grupo ang DOLE na maimbestigahan ang lahat ng aligasyon pati na rin ang kapabayaan ng mga nasabing employers.









