BPO industry, mangangailangan ng 6,000 manggagawa sa gitna ng COVID-19 pandemic ayon sa DOLE

Aabot sa 6,000 trabaho ang magbubukas sa industriya ng Business Process Outsourcing (BPO) sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Paliwanag ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, nagkakaroon ng “resurgence” sa local BPO sector.

Aniya, ang mga BPO firms ay planong palawakin ang operasyon nito sa Metro Manila, Clark, Pampanga at Cebu.


Kinontra rin ni Bello ang isang report ng Philippine Statistics Authority (PSA) at iginiit na nasa 69,000 lamang ang unemployed.

Batay sa report ng PSA, nasa 17.7% ang unemployment rate nitong Abril, kung saan umabot sa 7.3 million na Pilipino ang nawalan ng trabaho.

Facebook Comments