BPO industry sa bansa, may 150,000 bakanteng trabaho

Aabot sa 150,000 bakanteng trabaho sa industriya ng Business Process Outsourcing (BPO) para sa mga bagong graduate at undergraduate sa bansa.

Ayon kay Tonichi Achurra-Parekh ng Contact Center Association of the Philippines (CCAP), maraming oportunidad ang naghihintay sa mga fresh graduate at undergraduate dahil sa dami ng start-up companies mula Amerika, Europa at Australia na gustong mag-outsource ng kanilang mga empleyado sa Pilipinas.

Mas mataas din aniya ang mga sahod ng mga fresh graduate sa contact center kumpara sa ibang industriya.


Kabilang sa mga hinahanap sa mga aplikante ay ang kakayahang makapagsalita o makaunawa ng English at mag-adapt sa iba’t-ibang oras ng trabaho at teknolohiya.

Nabatid nasa 1.4 milyon ang nagtatrabaho sa mga contact center sa bansa.

Facebook Comments