BPO workers na tatangging bumalik sa on-site work, hindi maaaring tanggalin sa trabaho – DOLE

Hindi dapat tanggalin sa trabaho ang mga Business Process Outsourcing (BPO) employee na tatangging bumalik sa on-site work.

Ayon kay Labor Usec. Benjo Benavidez, nasa employers ang desisyon kung mananatili sa work-from-home set-up ang kanilang mga manggagawa ngunit hindi dapat maging grounds for automatic termination kung tumanggi ang manggagawa na bumalik sa on-site work.

Aniya, sakaling tumanggi ang empleyado ay maaaring bawasan ang insentibo nito o kaya ay patawan ng “insubordation.”


Matatandaang sinabi ng Fiscal Incentives Review Board na papayagan na lamang ang work-from-home set-up hanggang Marso sa kabila ng apela ng Philippine Economic Zone Authority na palawigin pa ito hanggang Setyembre.

Facebook Comments