Amerika – Bagong ligo pero pinagpapawisan agad, ‘yan ang problema lalo na kapag mainit ang panahon.
At sa mga kababaihan, pinakamabilis raw na pagpawisan ang ilalim na bahagi ng dibdib.
Kaya naman isang bagong style ng bra ang naimbento ng designer na si Erin Robertson.
Tinawag itong “Ta Ta Towel” na perfect din para sa mga inang nagpapa-breast feed.
Sa pamamagitan kasi nito, hindi na kailangang magpunas nang magpunas dahil mas mabilis nitong maa-absorb ang pawis.
Mabibili ang “Ta Ta Towel” bra online sa halagang 45 dolyar o higit 2,000 piso.
Facebook Comments