Brand-Agnostic Policy ng DOH sa COVID-19 vaccine, lalo lamang palalalain ang vaccine hesitancy ng mga Pilipino

Nangangamba si Assistant Minority Leader at Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas na lalo lamang mapapasama ang sitwasyon ng COVID-19 vaccine sa bansa.

Ito ay dahil na rin sa ‘brand-agnostic vaccination policy’ ng Department of Health kung saan hindi na i-aanunsyo ng LGUs ang brand o tatak ng bakuna sa isang partikular na vaccination site na layong maiwasan ang pagdumog ng mga tao.

Giit ni Brosas, mas palulubhain lamang nito ang ‘vaccine hesitancy’ o pag-aalangan lalo ng mga tao na magpaturok ng COVID-19 vaccine.


Mas lalo lamang kasi aniyang nagiging dahilan ito para magduda ang publiko sa bakuna dahil ipinagkakait sa mga tao ang kanilang karapatan na malaman at makapamili ng nais na bakuna.

Bukod sa iba aniyang kapalpakan ng gobyerno sa vaccination program ay nadadagdagan lamang ang duda ng mga Pilipino sa bakuna dahil sa polisiyang ito.

Matatandaang dinagsa kamakailan ng mga tao ang Pfizer vaccine dahil ito ang mas pinipili ng marami pagdating sa COVID-19 vaccines.

Facebook Comments