Brand labels mula sa imported rice, planong tanggalin ng DA

Inihayag ngayon ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. na plano nitong tanggalin ang brand labels mula sa imported rice, dahil sa pag-aalala nito na ilan sa mga industry players ay minamanipula ang sistema ng presyo ng bigas.

Ayon kay Sec. Tiu Laurel, matapos ang serye ng pagbisita sa mga palengke sa Metro Manila, mayroon na silang dahilan para maniwala na ilan sa mga retailer at trader ay sadyang nililito ang mga mamimili sa mga inaangkat na branded upang i- justify ang pagtaas ng presyo ng bigas.

Maliban sa pagtanggal sa brand names, inatasan din ni Laurel na alisin ang mga label gaya ng “premium” at “special” sa imported rice, kung saan naniniwala ang Kalihim na ginagamit ito para i-justify ang pagtaas ng presyo, pero ang mga bigas na gawa ng mga Pilipino ay exempted mula sa naturang panuntunan upang protektahan ang mga Filipino farmers at traders.


Giit pa ng Kalihim na kung ang mga trader ay handang sumunod sa kanilang regulasyon ay bibigyan nila ng permit para mag-import ng bigas.

Facebook Comments