Iminungkahi ni Albay Rep. Joey Salceda sa Inter-Agency Task Force (IATF) na bilhin ang brand ng bakuna na gusto ng mayorya ng mga Pilipino.
Ito ang nakikitang isa sa solusyon para mahikayat ang marami na magpaturok na ng COVID-19 vaccine bukod sa pagbibigay ng insentibo sa mga magpapabakuna.
Ayon kay Salceda, batid naman na may “bias” talaga pagdating sa Western brand na bakuna.
Sa halip aniya na ipilit ang Chinese brand ng COVID-19 vaccine ay mahalagang sundin ang “consciousness” at “preferences” ng mga tao para sila ay mabakunahan.
Hindi naman aniya mapipilit na maging brand-agnostic o hindi mapili sa brand ang mga tao kaya naman makabubuti kung susundin ng gobyerno kung ano ang mas gusto ng publiko.
Facebook Comments