Brand ng bakunang ituturok kay Pang. Duterte, nakadepende sa magiging abiso ng kanyang doktor

Nasa kamay ng mga doktor ni Pangulong Rodrigo Duterte kung anong COVID-19 vaccine ang ituturok sa Presidente.

Reaksyon ito ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque sa tanong kung anong ibabakuna sa Pangulo lalo na’t inaasahang darating na sa susunod na linggo ang unang batch ng mga bakuna na mula sa Covax Facility.

Matatandaang makailang beses nang sinabi ng Pangulo na kung hindi Sinovac ng China, ang Sputnik V ng Russia ang nais niyang ipaturok.


Nabatid na kabilang sa priority list ang Pangulo dahil isa na siyang senior citizen.

Pero ang inaasahang dadating na unang batch ng mga bakuna ay ang Pfizer at AstraZeneca.

Ayon kay Roque, ang mga doktor pa rin ng Pangulo ang may “final say” sa kung ano ang nararapat na bakuna para kay Pangulong Duterte.

Hindi naman aniya ipapagamit ng Food and Drug Administration (FDA) ang alinmang bakuna kung hindi ito napatunayang safe at effective.

Facebook Comments