Brand ng COVID vaccine na gagamitin ng LGUs sa mga vaccination site, huwag nang ianunsyo ayon sa DILG

Naglabas ng kautusan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng lokal na pamahalaan na huwag nang ianunsyo kung anong brand ng vaccines ang gagamitin laban sa COVID-19.

Ang anunsyo ng DILG ay kasunod ng pagdagsa ng publiko sa vaccination sites lalo na kapag Pfizer-made brand ang gagamitin.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, walang dapat ikabahala ang publiko dahil ligtas at mabisa ang lahat ng COVID vaccine dahil inaprubahan na ito ng Food and Drug Administration (FDA).


Dagdag pa nito, ang bawat araw ng delay ay tumataas ang peligro ng COVID transmission.

Samantala, sasabihin pa rin naman ang brand ng bakuna para sa tatanggap nito ng sa ganoon ay makapagdesisyon siya kung itutuloy pa rin ang pagbabakuna sa kanya.

Facebook Comments