Manila, Philippines – Dinepensahan ng Department of Tourism ang pagtaas ng budget ng ahensya ng 333% para sa kanilang branding campaign program.
Sa budget hearing ng House Committee on Appropriations, kinukwestyon ni ACT Teachers Rep. France Castro kung bakit umabot sa 1 bilyong piso ang pondo ng DOT.
Paliwanag ni Tourism Sec. Wanda Teo, tumataas kada-taon ang mga turistang bumibisita sa bansa kaya kinakailangan ang mas malaking pondo upang mas makahikayat ng maraming turista at mas malaking revenue sa bansa.
Ngayong January hanggang June 2017 ay nasa 3.36 million ang mga turistang bumisita sa bansa kumpara sa 2.97 million noong 2016.
Noong nakaraang taon, ang pondo para sa branding campaign ng DOT ay nasa 300 million lamang.
Sa 1Billion na budget, P100 million ay para sa global media placements, P300 million para sa brand development kasama na dito ang strategic placements, P50 million para sa media study, at P250 million para sa “global influencers.”