Manila, Philippines – Bago mag alas kwatro kaninang madaling araw, sumalang sa operasyon sa Makati Medical Center si Angeline Fernando.
Si Angeline ay pasahero ng MRT na nahulog sa riles ng MRT Ayala station kahapon na nagresulta sa pagkaputol ng kanyang kanang braso.
Sa impormasyong ibinahagi ni Transportation Undersecretary for Railways Cesar Chavez mula sa attending physician nito, na-reconnect na ang kanang braso nito sa kanyang katawan.
Maging ang buto, nerves & vessels ni Angeline ay re-connected na rin.
Sa ngayon, nananatiling under observation hanggang bukas si Angeline para mabatid kung magfu-function ang ikinabit na braso nito.
Tiniyak naman ni Usec. Chavez na sasagutin ng pamunuan ng MRT ang lahat ng medical expenses nito.
Ilalapit din aniya ni Usec. Chavez ang kaso ni Fernando sa PCSO para sa karagdagang tulong pinansyal.
Samantala, sa pahayag ng nanay ni Angeline na si Nanay Gloria at mga kaibigan nito, madalas mahilo si Angeline kapag maraming tao at madalas din itong low blood.