Brazil, itinigil na ang pagbibilang ng mga COVID-19 cases

Itinigil na ng Brazil ang kanilang ulat ukol sa bilang ng Coronavirus cases at deaths sa kanilang bansa.

Ayon sa ulat, hindi pa malinaw ang rason ng health ministry ng Brazil pero hinala ng mga eksperto na isa ito sa hakbang ng nasabing bansa para itago ang katotohanan kung gaano kadelikado ang nasabing sakit.

Matatandaang huling nagbigay ng datos ang Brazil nitong Biyernes, June 5, 2020 kung saan tanging recoveries na lang ang kanilang ibinibigay.


Una nang sinabi ni Brazilian President Jair Bolsonaro na “exaggerated” lamang ang mga state governors sa inilalabas nilang tally para makakuha ng mas malaking budget mula sa gobyerno.

Facebook Comments