Brazil, nakapagtala ng mahigit 26,000 kaso ng COVID-19 sa loob ng isang araw

2823

Nakapagtala ng 26,417 bagong kaso ng COVID-19 ang Brazil ngayong araw.

Ayon sa Health Ministry ng Brazil, sumampa na sa 438,832 ang COVID-19 cases sa kanilang bansa kung saan pumapangalawa na sila sa pinakamaraming kaso sa buong mundo.


Umabot naman sa 26,764 ang namatay dahil sa nakakahawang sakit habang 193,181 naman ang nakarekober na sa nasabing bansa.

Facebook Comments