Good news!
Dahil sa kabila ng pangalawang bansa sa buong mundo na may pinakamaraming naitatalang kaso ng COVID-19 o higit 2.5M confirmed COVID-19 cases.
Nananatiling COVID-19 free ang mga kababayan natin sa Brazil.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Philippine Ambassador in Brazil Marichu Mauro na sa humigit kumulang 1,200 Pilipino na naninirahan at nagta-trabaho sa Brazil ay wala pa silang naitatalang nahawaan ng sakit.
Umaasa si Ambassador Mauro na ito ay magtutuluy-tuloy kasabay ng kaliwa’t kanang paalala nila sa ating mga kababayan sa Brazil na mahigpit na sundin ang health safety protocols.
Samantala, iniulat din nito na may dumaong na barko sa Brazil kung saan may lulan na 14 na Filipino crew.
Lahat aniya ito ay unang nagpositibo sa COVID-19 pero kalaunan ang 11 ay gumaling at na-discharged na sa ospital habang ang dalawa ay nanatili sa ospital at nagpapagaling at ang isa ay nasawi.
Sinabi pa ni Ambassador Mauro na mayroon ding mga Pinoy sa Brazil ang nais bumalik ng Pilipinas matapos mawalan ng trabaho dahil sa pandemya at kasalukuyang hinihintay na lamang nila ang magiging pasya rito ng Department of Affairs (DFA).